CAGAYAN DE ORO CITY – Iminungkahi ni Barangay 23 Kapitan Jaime Joshua Frias II ang pagtingin sa dalawang panig ng planong pag postpone ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.
Ayon sa opisyal, malaking pabor at gantimpala ang term extension para sa mga nagsusumikap na lider, ngunit sayang lamang sa oras at pasakit para sa mamamayan kung ang nakaupong kapitan ay walang nagawa o hindi mahusay maglingkod.
Ipinaalala rin niya sa mga residente na hindi dapat mabahala sa kaunlaran dahil ang Department of the Interior and Local Government (DILG) ay nagpapatupad ng mga patakaran upang manatiling mahigpit at maayos ang serbisyo kahit matuloy o maantala ang halalan.
Dagdag pa ng kapitan, mula pa sa nakaraang eleksyon noong 2013 ay ganito na ang paninindigan, at ang taumbayan pa rin ang may huling pasya kung nararapat bang bigyan ng dagdag na panahon ang kanilang mga halal na opisyal.











