Sinabi ni Barangay Canitoan Kapitan Lance Padla na mas mahalaga para sa kanya ang pagbibigay ng tunay na serbisyo sa komunidad kaysa sa usapin kung matutuloy o maaantala ang Barangay at SK Elections.

Aminado siyang mabilis ang takbo ng panahon sa mahigit dalawang taon niyang panunungkulan, ngunit naniniwala siyang naipakita na niya ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng mga programa at proyekto.

Aniya, handa sila kung matutuloy ang eleksyon, ngunit kung maantala man ito, mas marami pa silang maisasakatuparang proyekto.