CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan ang Cagayan de Oro City Police Office (COCPO) sa publiko na agad tumawag sa 911 o sa pinakamalapit na istasyon ng pulis sa oras ng panganib.
Ayon kay Police Major Emilita Simon, delikado para sa mga sibilyan ang basta-basta pumunta sa mapanganib na lugar nang walang kasamang awtoridad.
Giit niya na mas ligtas na ipagbigay-alam ang insidente sa pulisya upang agad na makapagresponde at maprotektahan ang kaligtasan ng mamamayan.
Dagdag pa niya, ang mabilis na pagtawag sa emergency hotline ay makatutulong upang maiwasan ang mas malalang sitwasyon.
Pinapaalalahanan din ng kapulisan ang publiko na huwag mag-atubiling magbigay ng impormasyon kahit maliit na detalye dahil malaki ang maitutulong nito sa imbestigasyon.
Sa huli, iginiit ng COCPO na ang pakikipagtulungan ng komunidad ay susi sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa lungsod.











