Mababa ang tsansa na ma-convict si Vice President Sara Duterte sa kasong impeachment.

Ito ang inihayag ni PDP National member at COM chairperson Astra Pimentel

Sinabi ni PIMENTEL na mahirap makuha ang two‑thirds vote sa Senado para sa posibleng conviction ng bise.

Aniya kahit may 24 na miyembro ang Senado, hindi pa rin madaling makumpleto ang kinakailangang boto, lalo na’t wala si Senador Bato dela Rosa sa kasalukuyang bilang.

Binigyang-diin ni Pimentel na ang mga senador ay may kanya-kanyang konsiderasyon at politikal na pananaw dahil sila ay nahalal sa pamamagitan ng pambansang eleksyon at may independiyenteng pag-iisip.

Batay sa kanyang karanasan ng 15 taon sa Senado at 6 na taon sa ehekutibo, sinabi niyang nauunawaan niya ang paraan ng paggalaw ng mga senador sa sensitibong proseso.

Dagdag pa niya, mahina ang orihinal na impeachment complaint at kulang sa malinaw na ebidensya at mga kalakip na dokumento.

Para kay Pimentel, tila isa itong “fishing expedition” at maliit ang posibilidad na mauwi sa conviction laban sa Bise Presidente.