CAGAYAN DE ORO CITY – Kinuwestiyon ni Konsumentang Kagay-Anon, Inc. President Marlon G. Libot ang pamamahala sa kita ng National Power Corporation (NPC) at ang kaukulang responsibilidad ng Department of Energy (DOE) at Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).
Ayon kay Libot, karaniwang itinuturo ng mga kongresista at senador ang PSALM bilang responsable sa mga transaksyon sa power sector.
Binanggit niya na malaki ang kinikita ng NPC sa mga nakaraang taon ngunit bumabalik ito sa national government imbes na magamit sa rehabilitasyon ng mga planta.
Dahil dito, kanyang kinuwestiyon kung bakit hindi nagagamit ang kita mula sa power sector para sa pag-ayos ng mga planta.











