CAGAYAN DE ORO CITY – aghahain ng resolusyon si Konsehal Eric Salcedo, chairman ng Committee on Public Utilities, upang pormal na tutulan ang pagpasok ng Green GSM Taxi sa lungsod.

Aniya, matagal nang reklamo ng mga lokal na driver ang usaping ito ngunit nagulat siya na nagsimula na itong bumiyahe.

Dagdag pa niya, dapat suriin ng LTFRB Central Office ang sitwasyon dahil ipinagbawal ni Mayor Klarex Uy ang pagbibigay ng terminal sa naturang mga sasakyan.

Nababahala si Salcedo na posibleng dumami pa ang mga bagong unit na makakadagdag sa trapiko.