CAGAYAN DE ORO CITY-Kinasuhan na ang tiyuhin na nanaksak-patay sa kanyang pamangkin sa Magsaysay, Kibawe, Bukidnon.

Kinilala ang suspek na si Arjano Monticillo, 54, habang ang biktima naman ay si Kevin Cabatuan, 25, may kinakasama at residente sa naturang lugar.

Sinabi ni Capt. Jerick Jay Tingson, hepe ng Kibawe Municipal Police Station, galing sa inuman ang dalawa at sa kanilang pag-uwi ay biglang nanakal ang biktima kaya gumanti ang suspek sa pagsaksak gamit ang kutsilyo.

Agad umanong umalis ang suspek matapos ang insidente ngunit kalaunan ay sumuko rin ito kaya naisampa na ang kasong murder laban sa kanya.