CAGAYAN DE ORO City – Umaasa ang grupo ng mga lokal na taxi operators at drivers na makapagpatakbo ng e-taxi ngayong taon upang harapin ang pagpasok ng dayuhang kompanyang Green GSM.
Ayon kay CAFITADA President Bernie Jamaca, nakatakda ang kanilang pagpupulong kay Mayor Rolando “Klarex” Uy at sa LTFRB Region 10 ngayong Huwebes kasama ang Filipino-based company na Hail PH.
Target nilang mailabas ang 300 rent-to-own na e-vehicle upang matulungan ang mga drayber at lokal na operator bago matapos ang taon.











