CAGAYAN DE ORO CITY-Kung gaano ka excited ang buong bansa sa magaganap na Bombo Music Festival ngayong araw, mas excited umano ang magkapatid na Winset Rose Jacot at Kezia Velez na taga Cagayan de Oro.

Si Winset at Kezia ang magkapatid na parehong nakapasok sa Top 12 mula sa daan-dang mga composer na nag submit ng kanilang mga original song entries.

Sinabi ni Kezia na malaki ang kanyang pasasalamat na nabigyan sila ng pagkakataon ng Bombo Radyo na maipakita sa buong mundo ang kanilang talento.Ibubuhos umano niya ang lahat ng kanyang makakaya upang magbunga ang kanyang mga pinaghiran.

Sinabi din niya na nag promise sila sa isat-isa ng kanyang kapatid na e-enjoy lamang ang kanilang performance at susuportahan kung sino man sa kanilang dalawa ang tatanghalin champion .