CAGAYAN DE ORO CITY – Mangunguna ang Mindanao Power Consumers Federation sa malaking protesta sa Setyembre 12 laban sa mataas na singil sa kuryente at planong pagbenta ng Agus-Pulangi Hydroelectric Complex.
Ayon kay Chairperson Dr. Melchie Ambalong, umabot na sa ₱15/kWh ang singil sa Iligan kumpara sa ₱12–13/kWh sa ibang bahagi ng Mindanao.
Magtitipon ang mga residente sa post office bago magmartsa patungo sa opisina ng ILPI. Giit ni Ambalong, hindi makatarungan ang biglaang pagtaas ng singil na nagpapahirap sa mga konsyumer.
Dagdag pa niya, ang privatization ng Agus-Pulangi ay magdudulot ng mas mataas na presyo ng kuryente sa hinaharap.
Nanawagan ang grupo sa pamahalaan na pakinggan ang hinaing ng mga mamamayan at protektahan ang interes ng publiko.











