CAGAYAN DE ORO CITY – Inaasahan ng Oro Chamber of Commerce na pangunahan ni Pangulong Bongbong Marcos ang pagdalo sa ika-35 Mindanao Business Conference 2026 na ilulunsad sa Cagayan de Oro City sa susunod na linggo.
Ito na ang ikaanim na pagkakataon na magho-host ang lungsod ng naturang pagtitipon.
Ayon kay Engr. Almarico Brito, presidente ng Oro Chamber of Commerce, pangunahing layunin ng kumperensya na mas makahikayat ng mga negosyanteng mula sa kabisera na mamuhunan sa Mindanao.
Bukod kay Marcos, inaasahan din ang pagdating ng ilang opisyal mula sa pamahalaan ng Malaysia. Gaganapin ang aktibidad sa dalawang venue sa loob ng Limketkai Center mula Agosto 11 hanggang 13 ngayong taon.











