CAGAYAN DE ORO CITY Ibinunyag ni Atty. Jojo Lacanilao, propesor ng abogasiya sa De La Salle University, na bagama’t mahirap kwestyunin ang mga programang inilatag sa 2026 SONA gaya ng pabahay at ang pagtugon sa kontrobersyal na “power loss” na sinisingil ng mga electric distributor, nananatiling malaking tanong ang oras ng pagpapatupad nito.
Giit niya, matagal nang kinakaharap ng bansa ang mga isyung ito, kaya’t bakit ngayon lamang, sa ikaapat na taon ng administrasyon, nagpakita ng determinasyon ang pangulo na harapin ang mga ito.
Sa pananaw ni Lacanilao, ang biglaang aksyon at ipinapakitang kaseryosohan ng gobyerno ay indikasyon na nagsisimula nang hanapin ng Pangulo ang kanyang “legacy” o mga konkretong tagumpay na maiiwan sa kanyang pangalan bago sumapit ang susunod na SONA.
Kabilang sa mga ambisyong ito ang planong underground tunnel para sa transportasyon ng tren sa Luzon, na hanggang ngayon ay hindi pa nasisimulan, at ang pinakabagong hangarin na magkaroon ang Pilipinas ng space station sa Cagayan Province.
Ito ang mga proyektong nakikitang bahagi ng pagtatangkang mag-iwan ng pangmatagalang marka ng administrasyon.










