CAGAYAN DE ORO CITY – Nanawagan ang MASADA na dagdagan ang pondo para sa Mindanao upang palakasin ang food security ng bansa. Iginiit ni convenor Benito Ranque na kulang ang nakaraang alokasyon at dapat mas malaki ang bahagi ng badyet para sa isla.
Binanggit niya na bihira ang bagyo sa Mindanao kumpara sa Luzon na tinatamaan ng 20–30 kada taon.
Sa kasalukuyan, 17 porsyento ng GDP ang kontribusyon ng Mindanao sa ekonomiya.
Umaasa ang grupo na mas lalaki pa ang ambag ng isla kung bibigyan ng sapat na pondo. Layunin nilang gawing haligi ng suplay ng pagkain ang Mindanao sa panahon ng mga sakuna.











