CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ni City Mayor Rolando “Klarex” Uy ang kanyang pagnanais na hindi mawalan ng kabuhayan ang mga lokal na operator at drayber sa pagpasok ng GSM taxi sa Cagayan de Oro.
Muli siyang nakipagpulong sa grupo ng CAFITADA na pinamumunuan ni Bernie Jamaca, kasama ang iba pang lokal na taxi operators, upang matiyak na hindi sila maiiwan sa harap ng pagpasok ng negosyanteng dayuhan na nagmamay-ari ng GSM electric taxis.
Binigyang-diin ni Uy na mahalagang magkaroon ng pag-uusap sa pagitan ng kompanya at ng lokal na asosasyon upang maiwasan ang sigalot sa kalsada.
Nabahagi rin ang opinyon ng publiko sa isyu ng GSM taxi, na umano’y hindi dumaan sa tamang proseso at pag-apruba ng lokal na pamahalaan.











