CAGAYAN DE ORO CITY – Inamin ng Misamis Oriental candidate ng 2020 Miss Universe Philippines na si Caroline Veronilla na inspirasyon umano niya sa pakikipagsapalaran ng buhay ang kanyang kapatid babae na mayroong stage 4 ng ‘lymphoma cancer’.
Pag-amin ito ni Misamisnon beauty queen habang sumabak sa preliminary round ng kompetisyon kung saan nagbigay umano sa kanya ng sapat na lakas ang kasaluluyang sitwasyon ng 24 anyos nitong kapatid na inaalagaan nila ng husto ng kanyang pamilya dito sa rehiyon.
Inihayag ng dalaga na mismo daw ang kapatid ang nagpayo na humugot ng lakas mula sa kanya upang kaharapin ang anumang hamon ng buhay kabilang na rito ang pagsapak ng pinakaunang Ms Universe Philippines.
Ang lymphoma ay isang uri ng cancer na inatake ang dugo ng pasyente.
Magugunitang si Veronilla ay pambato ng Misamis Oriental habang si 2019 Ms Cagayan de Oro 3rd runner up Vincy Vacalares naman para sa Cagayan de Oro City subalit tuluyang umurong dahil nahawaan ng COVID-19 noong nakaraang linggo.