CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ng National Anti-Poverty Commission (NAPC) na nananatiling pangunahing prayoridad ang paglaban sa kahirapan sa mga lalawigan ng Bukidnon at Lanao del Norte.

Ayon kay OIC-Assistant Secretary Ana Cañeda, maraming pamilya ang patuloy na nahihirapan sa kita kahit mataas ang buwis na ipinapataw sa rehiyon.

Giit niya na lumalala ang panganib ng kagutuman kung hindi agad matutugunan ang pangangailangan ng mga mahihirap na sektor.

Malaking tulong umano ang mga ayuda at programang ipinatutupad ng ahensya upang maprotektahan ang mga kabus laban sa matinding gutom.

Dagdag pa niya, kinakailangan ang mas malawak na koordinasyon sa lokal na pamahalaan at iba pang ahensya upang mas epektibong maihatid ang tulong sa mga komunidad.

Nanawagan ang NAPC sa publiko na suportahan ang mga inisyatiba laban sa kahirapan upang matiyak ang mas ligtas at mas maayos na pamumuhay sa Northern Mindanao.8.