NATIONAL SECURITY MAHAHARAP SA PELIGRO KUNG PUPUWERSAHING MAG “TELL-ALL” SI NI COL. LACHICA
CAGAYAN DE ORO CITY -Ayon kay Atty. Samson So Tan ng Liceo de Cagayan University, delikado para sa seguridad ng mga informant kung ipapahayag sa impeachment trial ang testimonya ni Col. Raymund Dante Lachica hinggil sa confidential funds ni VP Sara Duterte.

Giit niya, maaaring malagay sa panganib ang bansa kung malalaman ng mga kalaban ng gobyerno ang mga pamamaraan ng imbestigasyon.

Iminungkahi niyang gawin ito sa executive session upang matukoy pa rin ang katotohanan nang walang buhay na malalagay sa peligro.