CAGAYAN DE ORO CITY – Sinimulan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang mas malalim na imbestigasyon sa anomalya sa MGB compound.
Ayon kay Major Joann Navarro, ang dump truck na nakumpiska noong Hulyo 3 ay pinalitan ng kaparehong sasakyan ngunit wala nang laman.
May mga partikular na indibidwal nang tinukoy na responsable sa operasyon. Giit ng NBI, posibleng inside job ang nangyaring nakawan dahil sa pagkakasangkot ng mga tauhan sa loob ng ahensya.
Patuloy ang pagtutok sa mga ebidensya upang mapalakas ang kaso laban sa mga suspek. Dagdag pa ng awtoridad, layon ng imbestigasyon na masawata ang ganitong uri ng anomalya sa hinaharap.











