CAGAYAN DE ORO CITY-Napatay ang no.3 drug personality provincial level sa isinagawang drug buy-bust operation sa Zone 1B, Brgy Lingion, Manolo Fortich, Bukidnon.

Kinilala ang napatay na si Valentino Abejo, 33 na residente sa nasabing lugar.

Sinabi ni Manolo Municipal Police Station Commander Major. Noel Cano nakamalay umano ang suspek na pulis ang kanyang katransaksyon kayat mabilis na nakatago sa likod ng kanyang bahay.

May dala umanong 3.8 revolver si Abejo kayat nauwi sa barilan na nagresulta sa kanyang pagkasawi.

Narekober sa crime scene ang mahigit 40K na pinaniniwalaang shabu at pera na nasa 25-mil pesos.