CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ni Rt. Rev. Felixberto L. Calang, Obispo ng Iglesia Filipina Independiente (IFI) Diocese of Cagayan de Oro, na ang pagdiriwang ng kapistahan ni San Agustin ay hindi lamang para sa mga aktibidad at selebrasyon, kundi pagkakataon din para sa pagninilay, paghingi ng tawad, at pagbabalik-loob sa Diyos.

Ayon kay Calang, bagama’t may kahinaan ang tao at maaaring magkasala, laging may pagkakataon para sa pagbabago sa pamamagitan ng pagtanggap sa biyaya at kaligtasang hatid ni Kristo.