Binatikos ng KADAMAY ang gobyerno sa kapalpakan ng flood control projects sa gitna ng pagbaha.

Sa panayam ng BOMBO RADYO, sinabi ni Mimi Doringo na ang kalikasan at pagbaha na mismo ang nagpapaalala sa matagal nang umiiral na korupsyon.

Binanggit niyang substandard ang materyales na ginamit at matagal nang bistado ang mga anomalya sa proyekto.

Giit niya, nagbubulag-bulagan ang pamahalaan sa katiwalian na nagdudulot ng panganib sa mamamayan.

Nanawagan siyang protektahan ang Sierra Madre bilang natural na panangga sa bagyo at wakasan ang katiwalian sa flood control projects.

Aniya ang tunay na solusyon ay makataong pamamahala ng pondo at pagtutok sa kaligtasan ng publiko.