Binatikos ng House Prosecution Panel ang paggamit ng confidential funds para sa dagdag na gastusin ng Vice Presidential Security Group (VSPG).

Ayon kay Rep. Zia Alonto Adiong, hindi pinahihintulutan ng Joint Circular ang paggamit ng nasabing pondo upang palakasin ang gastusin para sa mga empleyado at sundalong dati nang nakatalaga.

Itinampok ng panel na may mahigit 400 miyembro na ang VSPG na opisyal nang kinuha ng gobyerno, kaya’t ang paggamit ng confidential funds para sa kanilang karagdagang benepisyo ay labag sa itinakdang pamantayan.

Giit ng mga mambabatas, dapat igalang ang bawat probisyon upang maiwasan ang pang-aabuso sa pondo ng bayan.