Lalala ang pagmimina, quarrying, at pagkakalbo ng kabundukan sa Mindanao kung ipagpapatuloy ang pagtatayo ng Pax Silica hub sa bansa.
Nagbabala si Youth for Climate Justice Mindanao Coordinator Khyle Sabellano na kahit sa Luzon ipupuwesto ang naturang pasilidad, sa Mindanao pa rin kukunin ang mga mineral tulad ng nickel para sa paggawa ng semiconductor.
Ipinaliwanag ni Sabellano na hindi isusugal ng Estados Unidos ang sariling kalikasan kaya sa maliliit na bansang tulad ng Pilipinas ibabagsak ang pinsala sa kabundukan at katubigan.
Paulit-ulit na binanggit ng batang lider na walang ibang dala ang naturang proyekto kundi perwisyo sa taumbayan, sa mga kabataan, at pang-aagaw sa lupang ninuno ng mga katutubo.











