Ipinaliwanag ni Janboy Actub, tagapagsalita ni Mayor Rolando “Klarex” Uy, ang pangamba ng publiko matapos kuwestyunin ng ilang sektor ang hakbang ng City Council.
Ayon sa opisyal, ang paghingi ng awtorisasyon para sa bank negotiation ay hindi pa pinal na utang kundi isang hakbang lamang upang masuri ang proyekto.
Dagdag pa, layunin nitong maitayo ang bagong government complex sa Upper Carmen upang maibsan ang siksikan sa Divisoria at mapabuti ang serbisyo publiko.
Nilinaw pa na may ginagawang pag-aaral ang Technical Working Group upang matiyak na magdadala ito ng kaunlaran at hindi pabigat sa lungsod.











