CAGAYAN DE ORO CITY – Ipinahayag ng Professional Criminologists Association of the Philippines (PCAP) na kanilang ipagtatanggol ang mga biktima ng umano’y sexual assault na kinasasangkutan ng isang Police Captain at Police Corporal.

Ayon kay PCAP President Dr. Gerry Caño, handa ang kanilang legal team na tumulong sa pagsasampa ng kasong administratibo o kriminal depende sa desisyon ng pamilya at mga biktima.

Patuloy din ang case build-up ng grupo kasama ang mga saksi na nagbigay ng corroborating statements upang palakasin ang reklamo.

Giit ni Caño, dapat managot ang mga opisyal sa gawaing labag sa pamantayan ng propesyon.