CAGAYAN DE ORO CITY – Suportado ng Professional Criminologists Association of the Philippines (PCAP) President Dr. Gerry J. Caño ang paggamit ng transparent bag ng mga estudyante dahil nakakatulong ito sa pagpapalakas ng seguridad sa mga paaralan.

Ayon kay Caño, kung ipatutupad ang polisiya, dapat magbigay ng alternatibo ang pamahalaan at mga magulang para sa mga pamilyang mahihirapan sa pagbili nito.

Binatikos din niya ang ilang Parents and Teachers Association (PTA) sa kakulangan ng pagtingin sa seguridad at kaligtasan ng mga mag-aaral na siyang pangunahing prayoridad ng mga magulang.

Umaasa ang opisyal na mabibigyan ng sapat na atensyon ang inisyatibo upang makatulong sa mga guro at paaralan sa pagprotekta sa kinabukasan ng kabataan.