CAGAYAN DE ORO CITY -Pinabulaanan ng City Mayor’s Office ang kumakalat na pekeng account ng City Information Office sa social media.
Ayon kay Jan Boy Actub, tagapagsalita ni Mayor Klarex Uy, walang inilabas na kautusan ang alkalde hinggil sa suspensyon ng klase.
Aniya, “clone account” ang nagpakalat ng maling impormasyon. Pinayuhan ang publiko na huwag basta-basta magbahagi ng hindi beripikadong impormasyon.











