CAGAYAN DE ORO CITY – Ligtas ang Pilipinong manggagawa na si Divina Zabala sa kabila ng nangyaring “in-land tsunami” sa Langtang National Park, malapit sa hangganan ng Nepal at Tibet (China).

Sa kanyang mensahe sa BOMBO Radyo, sinabi ni Zabala na nagulat sila sa biglaang pagguho ng glacier na nagdulot ng malawak na pagbaha ng putik.

Nagpasalamat din siya sa mga nagpadala ng pangungumusta matapos mag-viral sa social media ang CCTV footage ng insidente. Batay sa ulat, umabot na sa halos 400 ang nasawi at mahigit 1,500 ang nawawala kabilang ang mga turista.