CAGAYAN DE ORO CITY – Posibleng maging “trojan horse” sa impeachment trial ni Bise Presidente Sara Duterte ang pagharap ng kanyang security head na si Col. Raymund Dante Lachica.

Ayon kay dating Bayan Muna Partylist Representative Atty. Kaloi Zarate, si Lachica at ang Bise Presidente lamang ang nakakaalam sa tunay na daloy ng ₱500 milyon na confidential funds.

Dahil dito, inaasahang ipapatawag ng mga senador ang opisyal bilang testigo upang matukoy ang totoong kuwento sa paggastos ng naturang pondo.

Binalaan din ng abogado ang publiko na huwag basta-basta maniwala sa mga liquidation receipt na nakapangalan sa mga kuwestyonableng indibidwal gaya nina Mary Grace Piattos at Andy Lim upang matiyak ang hustisya.