CAGAYAN DE ORO CITY – Pormal nang itinalaga si Brig. Gen. Nestor Babagay Jr. mula sa Police Regional Office V bilang bagong acting Regional director ng Police Regional Office 10 (PRO 10).
Pinalitan niya si Brig. Gen. Christopher Abrahano na ngayon ay nakatalaga bilang hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO).
Bago ang naturang pagtatalaga, si Brig. Gen. Aaron Mandia ang nagsilbing officer-in-charge ng PRO 10. Ang pagbabago sa pamunuan ay bahagi ng nagpapatuloy na reorganisasyon sa Philippine National Police.











