CAGAYAN DE ORO CITY – Nag-inspeksyon si PBGEN Nestor Babagay Jr., Regional Director ng PRO-10, sa Misamis Oriental upang tiyakin ang kalagayan ng seguridad sa rehiyon.

Sa kanyang pagbisita, ipinag-utos niya ang pagpapatupad ng maximum police visibility at mas pinaigting na foot patrol sa mga pangunahing lugar.

Layunin ng hakbang na ito na mabawasan ang kriminalidad at mapalakas ang peace and order na mahalaga sa pag-unlad ng komunidad.

Giit ni Babagay, ang presensya ng pulis sa kalsada ay nagbibigay ng kumpiyansa sa publiko at nagsisilbing deterrent laban sa mga kriminal.

Inaasahan din na ang mas mahigpit na seguridad ay magbibigay ng tiwala sa mga turista at mamumuhunan na pumasok sa rehiyon.

Dagdag pa ng PRO-10, patuloy ang kanilang koordinasyon sa lokal na pamahalaan upang masiguro ang epektibong pagpapatupad ng mga hakbang pangseguridad.