CAGAYAN DE ORO CITY – Bagamat mayroong kapabayaan subalit umapela ang Police Regional Office 10 sa publiko na huwag tuligsain ang ina nasa likod pagpadlak ng kanilang bahay na dahilan nasawi ang dalawa nitong anak epekto sa sunog sa Purok Rubia,Brgy Población,Sinacaban,Misamis Occidental.

Sa panayam ng Bombo Radyo,inihayag ni PRO 10 spokesperson Major Joann Navarro na sobrang sakit sa damdamin na madatnan ng ina na si alyas Jennifer na umuusok pa ang mga katawan ng kanilang mga anak-lalaki na nag-edad 2 at 4 anyos na nagkayakpan pa.

Sinabi ni Navarro na bilang isa ring ina, halos durugin din ang kanyang puso na mapanood ang sinapit ng mga biktima na hindi alam ang kanilang gagawin bagkus ay hanggang pagyakapan na lang sa gitna ng kanilang lumiyab na bahay.

Umapela ang opisyal na sana maging sensitibo ang publiko sa damdamin ng pamilyang naghihinagpis dahil iniinda rin nila ang pagiging ‘guilty’ sapagkat hindi nailigtas ang mga ito noong Lunes ng umaga.

Kuwento pa ng ina na isinara at kinadina nila ang pintuan dahil minsan na rin na umaabot sa ibang bahagi ng kanilang lugar ang magkapatid epekto ng walang bantay.

Paliwanag nito na nasa bayan ng Aloran sila ng kanyang asawa para maghanap ng mapagkitaan kaya ang magkapatid lang ang naiiwan sa kanilang bahay.

Bagamat maghapon sila sa sakahan subalit uuwi naman umano ang kanyang ina bawat tanghali upang pakainin ang magkapatid ilang araw ang nakalipas bago nangyari ang trahedya.

Magugunitang dahil sa sobrang hirap ng buhay,sa barangay waiting shed lang nakaburol ang magkapatid habang hinihintay ang araw na mailibing ito ngayong linggo.

Napag-alaman na palaisipan sa magulang ng mga biktima kung bakit nasunog ang bahay na lahat naman ng kanilang kagamitan na maaring makapag-disgrasya ay iniligpit nila sa mas ligtas at sekretong bahagi na lugar.