CAGAYAN DE ORO CITY – Nagbabala si Prof. Christopher Ryan Maboloc na ang planong pag-oktaba o pagpapaliban ng Barangay at SK Elections ay arbitraryo at walang sapat na dahilan.
Ipinaliwanag niyang mula sa dating dalawang taon na termino na ginawang tatlo, ang muling pagpapaliban ay magpapahaba ng panunungkulan ng mga opisyal hanggang limang taon.
Ayon sa kanya, Korte Suprema ang magpapasya sa legalidad nito, at hindi tinatanggap ng hukuman ang mababaw na dahilan sa pag-oktaba ng eleksyon na itinuturing na puso at kaluluwa ng demokrasya.
Dagdag pa niya, mas mainam na manatili sa posisyon ang mga opisyal na mahusay magserbisyo kaysa palitan ng mga walang bisyon at tamad na lider sa barangay.










