CAGAYAN DE ORO CITY – Nilinaw ni Prof. Christopher Ryan Maboloc ng Ateneo de Davao University na hindi awtomatikong iregular ang pag-withdraw ng ₱37.5 milyon mula sa Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamamahala ng OVP.

Aniya, ang pagbabago sa halaga ng inilabas na pondo ay sumasalamin lamang sa mga adjustment matapos maupo si Vice President Sara Duterte bilang bagong kalihim ng DepEd.

Dagdag pa niya, hindi nangangahulugang may nang-abuso o nagbulsa ng pondo dahil protektado ang paggamit nito para sa confidential at intelligence operations ng gobyerno.

Giit niya, wala pang naipresenta ang prosekusyon na nagpapatunay ng personal na pagkamal ng yaman mula sa pondo ng bayan.