CAGAYAN DE ORO CITY – Itinuro ni Prosecution Panel Spokesperson Representative Renee Louise Co na ang pagkakapareho ng paggamit ng confidential funds sa Davao City at sa Office of the Vice President ang pinakamabigat na ebidensya ng pag-abuso sa tiwala ng publiko.
Ayon sa kanya, ang paglipat ng ₱500 milyon na confidential funds sa isang security officer nang walang legal na pahintulot at ang paglabas ng mga kahina-hinalang resibo ay malinaw na paglabag sa mga patakaran ng Commission on Audit.
Dagdag pa ng piskalya, mas naging maliwanag ang maling paggamit ng kapangyarihan upang maitago sa publiko kung saan napunta ang pera ng gobyerno.











