CAGAYAN DE ORO CITY – Handa na ang mga personahe ng Mindanao Container Terminal (MCT) na e-transport pabalik sa South Korea ang mga nalalabing tone-toneladang basura ng Verde Soko sa may Sitio Bugwak, Sta. Cruz, Tagoloan Misamis Oriental.
Isang simpleng ceremonial activity ang gagawin bukas bago ikarga sa barko ang 2,400 ka toneladang basura.
Malaki ang pasasalamat ni MCT port collector John Simon sa Bombo Radyo na kabilang sa mga nanawagan sa kompaniyang Verde Soko na maibalik sa South Korea ang mga basura at mapasurahan ang mga responsable sa pagtapon ng basura.
Napag-alaman na gagawin bukas ang first batch sa transportasyon ng mga basura at sa buwan naman ng Pebrero ang last batch sa pagpapabalik sa mga basura,