CAGAYAN DE ORO CITY – Nagpahayag ng pangamba si Hakbang ng Maisug Convenor Atty. Vic Rodriguez sa plano ng ilang mambabatas na muling palawigin ang termino ng mga opisyal ng barangay.

Ayon sa kanya, hindi dapat maging kampante ang taumbayan dahil unti-unti nang umuusad ang mga panukalang batas sa Kongreso at Senado upang ipagpaliban ang Barangay at SK Elections.

Ibinunyag ng abogado na mismong si Senate President Chiz Escudero ang naghain ng panukala sa Senado, habang may grupo rin ng mga kongresista na nagsusulong nito sa Kamara.

Dagdag pa niya, hindi lahat ng kasalukuyang opisyal ay mahusay na naglilingkod sa kanilang komunidad, kaya’t hindi dapat ipagpaliban muli ang halalan.