CAGAYAN DE ORO CITY-Patay ang isang lalaki habang sugatan naman ang tatlong katao ng mahulugan ng sanga ng balete sa Balangay 9, Poblacion, Quezon Bukidnon.

Kinilala ang namatay na si Matranillo Cabaltero, 56, may asawa at residente ng Purok 5, Brgy Mibantang sa naturang bayan.

Ayon sa Quezon PNP, naka upo lamang ang biktima sa gilid ng Luan-luan swimming pool sa naturang lugar ng biglang may nasa 30 ft na sanga ng balete ang nahulog.

Tinamaan sa ulo si Cabaltero at agad na isinugod sa ospital ngunit idineklara ng mga doktor na dead on arrival.

Nasa ligtas naman na kalagayan ang tatlo pang mga biktima matapos malapatan ng gamot dahil sa tinamo nitong minor injury dahil sa nangyari.