Nilinaw ni Fr. Der John Faborada, Social Communication Apostolate ng Archdiocese of Cagayan de Oro, na ang turo ng simbahan ay hindi humihikayat sa paniniwala sa mga psychic at sa kanilang mga prediksyon hinggil sa mga pangyayari sa buhay gaya ng mga kalamidad.
Sa halip, ipinaliwanag ng pari na dapat bigyang-prayoridad ang pagpapakita ng tiwala sa Diyos at ang paggawa ng sarili bilang instrumento ng Kanyang pag-ibig para sa kapwa, lalo na sa panahon ng kahirapan.
Dagdag pa niya, hindi kayang hulaan ng tao ang mga natural na kalamidad tulad ng lindol at bagyo sapagkat bahagi ito ng dinamikong takbo ng mundo na hindi kontrolado ng sinuman.











