Ipinanawagan ni student leader Gayle Escobido sa lokal na pamahalaan ng Cagayan de Oro na gawing mas maayos at mas magaan ang sistema ng pampublikong transportasyon sa lungsod, dahil sa hirap na nararanasan ng mga estudyante, manggagawa, at iba pang commuters sa araw‑araw na biyahe.
Ayon kay Escobido, ang pagpapatupad ng City Ordinance No. 10551‑2007 ay nagdadagdag lamang ng pasanin sa mga pasahero.
Binigyang‑diin niya na ang mga commuters mula sa karatig‑munisipyo ay may malaking ambag sa pag‑unlad ng lungsod, kaya’t nararapat lamang na magkaisa ang lahat sa panahon ng kahirapan imbes na maghigpitan, upang makamit ang tunay na kaayusan at solusyon sa problema sa transportasyon.











