Tinatayang umabot sa ₱1.3 milyon ang halaga ng pinsala sa ari-arian matapos matupok ang humigit-kumulang 20 bahay sa Zone 9, Macanhan, Barangay Carmen. Ayon kay Carmen Fire Station Commander SFO2 Bonie Antesco, mabilis na nagresponde ang pitong BFP fire trucks kasama ang pitong volunteer trucks upang apulahin ang apoy na nagsimula sa bahay ng vlogger na si Pril John Ladra Acao.
Bagamat walang naitalang nasawi, patuloy pa ang imbestigasyon ngunit itinuturong posibleng sanhi ang sirang linya ng kuryente dahil sa naganap na brownout sa lugar.











