CAGAYAN DE ORO CITY – Tiniyak ni Cagayan de Oro City Councilor Eric Salcedo na malaking tulong ang pagpapatupad ng transport ordinance upang maisulong ang 100% na implementasyon ng Local Public Transport Route Plan (LPTRP).
Sa naturang hakbang, nabigyan ng kasagutan ang matagal nang hinaing ng mga lokal na transport group laban sa mga provincial route na kumukuha ng pasahero mula Tagoloan patungong Bugo at Gaisano.
Dahil dito, hanggang sa Agora Termina na lang ang mga biyahe para sa mga taga-Bugo, habang sa Westbound Terminal sa Bulua naman nakalaan ang linya para sa Patag at Iponan.
Aminado ang konsehal na hindi maiiwasan ang ilang maaapektuhan sa pagpapatupad ng batas, ngunit tiniyak niyang patuloy na hinahanapan ng solusyon ng lokal na pamahalaan ang mga isyung lumilitaw sa kasalukuyan.











