Walang epekto para sa grupong Duterte Panagutin Campaign Network ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa paggamit ng salitang “forthwith” sa Konstitusyon kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte sa Kamara.

Ayon kay Atty. Jojo Lacanilao, convenor ng grupo, nananatili pa rin sa Senado ang kapangyarihan na magpatuloy sa proseso kapag nakarating na roon ang articles of impeachment.

Sinabi ni Lacanilao na ang nasabing desisyon ay hindi gaanong makakaapekto sa mga reklamong impeachment laban kay Inday Sara.

Ipinaliwanag din na may mga nakabinbing petisyon ang kampo ni Duterte sa Korte Suprema na kumukuwestiyon sa imbestigasyon ng Kamara laban sa kanya. Ang isyu ay nagdulot ng matinding debate sa mga legal luminaries at sa mga pro at anti-Duterte.

Sa huli, iginiit ng grupo na ang Senado pa rin ang may huling kapangyarihan sa pagpapatuloy ng impeachment trial