CAGAYAN DE ORO CITY – Iginiit ni Ateneo de Davao University Professor Christopher Ryan Maboloc na walang nakitang iregularidad sa na-encash na pondo mula sa Office of the Vice President (OVP) ni Sara Duterte.

Sa pagtutok sa Article 1 ng impeachment trial, binanggit niya na nananatiling bukas at transparent ang lahat ng transaksyon dahil nakatala ito sa rekord ng Anti-Money Laundering Act (AMLA), lalo na sa mga halagang higit ₱500,000.

Ayon sa akademiko, suportado ng kumpletong voucher at legal na dokumento ang paglabas ng pera mula sa confidential fund upang ma-justify ang paggamit nito.

Dagdag pa niya, tila minadali ng prosecution panel ang kanilang mga pahayag upang maimpluwensyahan ang publiko kahit wala pang matibay na ebidensiya ng maling pamamahala sa pondo.