CAGAYAN DE ORO CITY – Arestado ang weather monitoring officer matapos masangkot sa iligal na droga dito sa Cagayan de Oro City.
Nahuli sa akto ng mga operatiba ng Cagayan de Oro’s Drug Enforcement Unit (CDEU) si Misamis Oriental Disaster Risk Reduction Management Office weather monitoring chief Virgil Lago habang sumisinghot ng shabu sa loob ng isang inn.
Ayon kay SPO3 Jigger Rojo, investigator ng CDEU, matagal na nilang mino-monitor ang iligal na gawain ng suspek at ngayon lang sila nakakuha ng pagkakataon na mahuli ito.
Sa panig naman ni Lago, ayaw niyang magbigay komento sa alegasyon dahil sa kahihiyan lalo pa’t kilala siya sa buong Misamis Oriental.
Nahaharap ngayon si Lago sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.










