Umaasa si Philippine Army commanding general Lt. Gen. Antonio Nafarrete na makakamit ng 4th Infantry Division ang ganap na pagbuwag sa natitirang mga kasapi ng North Eastern Mindanao Regional Committee at North Central Mindanao Regional Committee ng CPP-NPA na banta sa kapayapaan sa rehiyon.
Ito ay matapos ipahayag ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines na ipagpapatuloy ni acting 4ID commanding general Brig. Gen. Seigfred Tubalado ang mga opensiba na sinimulan ni retired Maj. Gen. Michelle Anayron Jr laban sa nagkakawatak-watak na mga rebelde.
Ayon sa heneral, sa tulong ng kooperasyon at disiplina ng mga “Diamond” troopers, mas mapapabilis ang pagbuwag sa mga natitirang kasapi. Layunin din na tuluyang mapulbos ang mga rebelde ngayong taon.
Ang kampanya ay nakatuon sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa rehiyon. Pinagtitibay nito ang determinasyon ng AFP na tapusin ang banta ng CPP-NPA sa Mindanao.










