CAGAYAN DE ORO CITY -Nagpulong ang CAFITADA upang ilunsad ang sariling electric vehicles ng mga lokal na drayber sa Cagayan de Oro.

Ayon kay CAFITADA President Bernie Jamaca, banta sa kabuhayan ang pagdami ng mga dayuhang green taxi.

Nakipag-ugnayan sila sa supplier na Hail PH upang simulan ang operasyon.

Layunin nilang makapagbiyahe ng modernong electric taxi para sa mga pasahero. Umaasa silang mapapanatili ang kita ng mga lokal na pamilya.