Ikinabahala ng dating diplomat at law professor na si Atty. Jojo Lacanilao ang mga inilabas na alegasyon ukol sa P319M na pondo mula sa mga kompanya sa China na inaalegar na ibinalhin sa negosyong KALE 88 ng mag-asawang Duterte.
Ipinaliwanag ng legal expert na malaki ang peligro ng dayuhang impluwensya sa pamumuno ng bansa kung mapatutunayan ang sinasabing salapi na pumasok sa mga bangko.
Nilinaw ng opisyal na mahirap ipaliwanag ng depensa ang pagtatakip sa naturang pondo sa pamamagitan lamang ng pagsasabing lehitimong export business ito at sa pamamagitan ng plausible deniability.
Idinagdag pa ng abogado na nananatiling malaking usapin sa Impeachment Court ang sinasabing hindi maipaliwanag na pondo dahil sa inakusahang pagkakaiba ng idineklara sa SALN kumpara sa inaalegar na pera sa bangko.











