Ikinalungkot ng pangkat ng mga magsasaka na tila nagbibingi-bingihan lamang ang Presidente sa banta ng Super El Niño dahil balde at kaunting ayuda lamang ang inihahandog nito.

Ipinahayag ni AMIHAN National Federation of Peasant Women Spokesperson Cathy Estavillo na hindi ibinigay ng gobyerno ang tunay na pangangailangan ng sektor ng agrikultura sa gitna ng nagpapatuloy na perwisyo ng tagtuyot.

Dahil dito, tila napakatindi ng paghihirap ng sektor sa kasalukuyan habang kulang pa rin ang patubig sa mga pananim.

Kaya naman, nanawagan ang grupo para sa permanenteng irigasyon at kompensasyon sa mga pananim na nasira imbes na pampalubag-loob at pagpapatira lamang sa ayuda ang ibigay sa kanila.