Naideklarang drug-cleared ang limang bagong barangay sa Rehiyon 10 habang umabot sa 12.91 porsyento ang kabuuang drug affectation sa buong rehiyon batay sa pinakabagong datos ng ahensya.

Ipinahayag ni PDEA Region 10 Regional Director Alex Tablate na ang Cagayan de Oro ang nanguna sa pinakamataas na affectation na berada sa 55 porsyento, na sinundan ng Iligan City na may 52 porsyento, Misamis Oriental na may 16 porsyento, Bukidnon na may 14 porsyento, Lanao del Norte na may 7 porsyento, at Misamis Occidental na berada sa 5 porsyento.

Dahil dito, nilinaw ng opisyal na magpapatuloy pa rin ang mga anti-drug operations sa mga lugar na naideklara nang drug-cleared upang maprotektahan ang status ng bawat komunidad.

Samantala, nananatiling alerto ang mga awtoridad sa pagbabantay sa bawat barangay upang matiyak na hindi na babalik ang banta ng ilegal na droga sa buong rehiyon.